Arestado ang isang 27-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay San Francisco, San Fernando City, La Union, hapon noong Mayo 4, 2026.
Pinangunahan ng City of San Fernando Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement units, nasamsam mula sa suspek ang tinatayang dalawang gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P13,600, bukod pa sa buy-bust money, isang cellphone, at iba pang drug paraphernalia.
Isinagawa ang imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon alinsunod sa prosesong itinakda ng batas.
Dinala ang suspek sa isang pagamutan para sa medical examination bago inilipat sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







