Pinaplantsa na ng mga kinauukulang ahensya at paaralan sa Pozorrubio ang pagproseso ng mga permit kaugnay ng Brigada Eskwela bilang paghahanda sa school clean-up operations bago ang pagbubukas ng klase.
Nagpulong noong Mayo 28, 2026 ang mga kinatawan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Municipal Engineering Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, at Department of Education Pozorrubio District I at II kasama ang mga School DRRM Coordinators at civil society organization partners upang pag-usapan ang koordinasyon at partisipasyon ng bawat tanggapan.
Kabilang sa inihahanda ang mga dokumentong kailangan alinsunod sa guidelines ng Department of Environment and Natural Resources para sa tree cutting at earth-balling permits sa mga paaralang nangangailangang magtanggal o magbawas ng mga puno bago magsimula ang klase.
Ayon sa Department of Education, isasagawa ang Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1 hanggang 5 bilang bahagi ng nationwide school preparation activities. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







