
Umapaw na ang La Mesa Dam sa Quezon City matapos umabot sa 80.15 meters ang antas ng tubig ngayong alas-5:00 nang hapon, ayon sa pinakahuling Hydrological Dam Situationer ng PAGASA.
Ito na ang spilling level ng dam, na may critical level na 79.50 meters.
Dahil walang floodgate ang La Mesa Dam, patuloy na aagos ang tubig sa Tullahan River, na maaaring makaapekto sa mga mabababang lugar sa Quezon City, Valenzuela, Malabon, Navotas, at Caloocan bago ito dumaloy patungong Manila Bay.
Pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa Tullahan River na mag-ingat at manatiling alerto sa posibleng pagbaha.
Facebook Comments










