Thursday, August 13, 2026

Dagdag na P85 sa minimim wage increase sa NCR, nananatiling suspendido

Nananatiling suspendido ang P85 minimum wage increase sa National Capital Region (NCR).

Ito ay matapos pagbigyan ng Pasig Regional Trial Court Branch 152 ang hiling na writ of preliminary injunction laban sa NCR Wage Order No. 27.

Sa resolusyong pirmado ni Presiding Judge Marie Joyce Manongsong ngayong araw, nanindigan ang korte sa inilabas nitong resolusyon noong hulyo na isinasaalang-alang nito ang kapakanan kapwa ng mga manggagawa at employers.

Ayon sa Pasig Court, tinitiyak lamang nito na habang hindi pa ganap na napagpapasyahan ang merito ng kaso, wala pang irreversible effect ang naturang wage order para sa pribadong sektor.

Binigyang diin ng korte na mas mabigat at mahirap na maibalik ang pagkawala ng trabaho kaysa sa pansamantalang hindi pagtanggap ng dagdag-sahod.

Dahil dito, hindi pa matatanggap ng mga manggagawa ang nakatakda sanang P60 para sa unang bugso ng dagdag-sahod noong Hulyo at mahigpit ding ipinagbabawal ng korte ang pagpapatupad ng NCR wage Order No. 27 habang dinidinig ang petition FOR declaratory relief.

Facebook Comments