
Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mahigit USD 1.9 bilyong bagong pamumuhunan sa mining at technology sector matapos makipagpulong sa mga opisyal ng ilang kumpanya sa Vancouver, Canada.
Maglalagak ang OceanaGold Corporation ng $1.9 bilyon para palawigin hanggang 2037 ang operasyon ng Didipio Gold-Copper Mine sa Nueva Vizcaya at Quirino.
Mag-iinvest naman ang B2Gold Corporation at Filminera Resources Corporation ng $14 milyon para sa pagpapalawak ng solar power facility at exploration program ng Masbate Gold Project.
Magpapalawak din ang NQX ng operasyon nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng $10.3 milyong investment sa loob ng tatlong taon para sa customer experience at software engineering operations, na inaasahang lilikha ng mas maraming high-tech na trabaho.










