
Mariing iginiit ni Attorney Dino de Leon na hindi kwestyunable ang pagsasampa ng plunder case ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay Senator Rodante Marcoleta.
Ito ay dahil ebidensya na umano ang nagpapakita ng paglabag sa batas habang ang iba umano ay kay Senator Marcoleta pa umano nanggaling.
Samantala, naniniwala naman si Atty. De Leon na hindi na dapat mag-participate ang suspendidong senador sa impeachment trial.
Dapat din umanong isara at i-hold ang budget ng tanggapan ng suspendidong senador, dahil hindi naman umano maaaring mag operate ang opisina kung wala ang senador.
Gayunpaman, kailangan muna umanong maglabas ng warrant of arrest sa kasong plunder para kay Senator Marcoleta para pansamantala itong masuspinde bilang senador.










