Monday, October 5, 2026

LTFRB, ni-revoke ang authority to operate at renewal of application ng 2 TNC

Ni-revoke ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang ‘authority to operate’ at ‘renewal of apllication’ ng Leggo Information Technology Solutions at Aztech Solutions International Corp., mga Transport Network Companies o TNCs.

Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon ng LTFRB, na hindi nakasunod ang dalawang TNC sa mga kondisyon ng ahensya para sa mga kumpanya na nagbibigay ng platform sa Transport Network Vehicle Service o TNVS.

Napatunayan din umano sa nasabing imbestigasyon na hindi na nag-o-operate ang 2 TNC.

Dahil dito, kinansela rin ng ahensya ang Certificate of Accreditation ng 2 TNC, matapos hindi makapagbigay ng valid na rason kaugnay ng administrative issues ng LTFRB laban sa kanila.

Paalala ni LTFRB Acting Chairman Atty. Greg Pua sa mga TNC at operator, ugaliing sumunod sa regulasyon ng LTFRB para maiwasan ang paglabag dito.

Facebook Comments