Wednesday, May 20, 2026

Bilang ng mga nagparehistro sa ginawang voter’s registration ng COMELEC, umabot ng higit 5-M

Pumalo sa mahigit 5.4-M mga botante sa buong bansa ang nagparehistro sa ginanap na voter’s registration mula October 2025 hanggang nitong Lunes, May 18, 2026.

Sa inilabas na datos ng Commission on Elections (COMELEC) Election and Barangay Affairs Department (EBAD), pinakamarami sa mga nagparehistro ay mga babae na umabot sa mahigit 2.8-M mas mataas kumpara sa 2.6-M na bilang ng mga lalaki nagparehistro.

Pinakamarami naman sa mga nagparehistro ay mula sa region IV-A (CALABARZON) na umabot sa mahigit 887,000 navsinundan ng Region III na may 613,000; National Capital Region (NCR) 598,000 Region V – 322,000 at Region VII na nasa 316,000.

Samantala, naitala naman ang pinakamababang bilang ng mga nagparehistro sa Cordillera Administrative Region (CAR) na umabot lamang sa mahigit 75,000.

Humingi naman ng paumanhin si Comelec Chairman George Garcia sa mga hindi naka-abot sa cut off ng voter’s registration noong Lunes kasabay ng paghikayat sa mga ito na mas maagang magparehistro sa susunod na taon at huwag na hintayin ang huling araw ng pagpaparehistro.

Facebook Comments