Lumubog na MT Princess Empress, hindi totoong bago ayon kay Justice Sec. Remulla

Ibinunyag ni Justice Sec. Crispin Remulla na hindi totoong bago ang lumubog na MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Remulla, “scrap” lamang at pinalabas na bago ang nasabing barko.

Aniya, dalawang beses na ni-rebuild ang naturang barko para maging tanker.


Ito ay taliwas aniya sa iniulat ng management sa Philippine Coast Guard (PCG) na dalawang taon pa lamang ito.

Sinisilip din ng Department of Justice (DOJ) ang insurance ng MT Princess Empress dahil lumalabas aniyang malaki ang insurance nito.

Facebook Comments