Wednesday, June 3, 2026

SP Alan Peter Cayetano, hinamon ang minorya na pakitaan muna siya ng 13 na bilang para bumaba sa pwesto

Hinamon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang minorya na pakitaan muna siya ng 13 bilang ng suporta at bababa siya sa pwesto.

Kasunod ito ng panawagan ng Solid Bloc 11 o SB11 kay Cayetano na magbitiw na sa pwesto.

Iginiit ni Cayetano na ipinauubaya niya sa Diyos ang kanyang katayuan at handa siyang umalis sa pwesto kung may makukuhang 13 bilang ng senador ang minorya.

Nauna rito ay pinuna ni Cayetano na tila sinasadya ng minorya ang pagkwestyon sa Blue Ribbon Committee na paano magkaka-quorum gayong hindi pa constituted o hindi pa nabubuo.

Iginiit ni Cayateno na malinaw sa rules ng Senate na habang hindi pa napapalitan ang mga myembro ay mananatili pa rin ang mga dating members.

Bukod dito, naghi-hearing naman na ang ilang komite at may Bicameral hearings na rin pero pagdating sa BRC ay sinisita ito ng minority.

Inimbitahan ni Cayetano ang minority bloc sa gagawing pulong ngayong araw para sa isasagawang pagdinig ng BRC sa Huwebes ukol sa flood control anomalies.

Facebook Comments