MAGBUBUKAS NA | Paseo de Belen Bubuksan Na!

17

Inihahanda na ang pagbubukas ngayong araw ang Paseo De Belen sa De Venencia Road Extension Dagupan City. Eksaktong 5:00 ng hapon bubuksan ang Paseo De belen na mayroong dalawamput anim na nag gagandahan at nag niningning na belen na mangagagaling sa ibat-ibang barangay sa Dagupan City at ibang organisasyon sa Dagupan City.

Iaanunsyo ang mga panalo sa darating na Disyembre 27 ng taon. Ang 1st runner up ay tatanggap ng 50,00, 2nd runner up 30,000 at 3rd placer ay makakatanggap ng 20,000.

Kasama rin sa paseo de belen ang pagbubukas ng carnival na katabi lamang nito at ayon sa facebook page ng Dagupan City Tourism office libre ang rides ngayong araw hanggang sa martes sa susunod na linggo.

Magtatagal ang Paseo De Belen hanggang sa darating na January 8, 2018.

Photo credited to dagupan.gov.ph

Facebook Comments