Magkasintahan, natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar sa Bataan

132

Bataan – Bumuo na ng isang komite ang Bataan Police Provincial Office para resolbahin ang nangyaring pagpatay sa isang magkasintahan.

Matatandaan na wala ng buhay ng matagpuan sa magkahiwalay na lugar sa bataan ang mga biktimang sina Glory Mae Carbonell, 22-anyos at ang nobyo nitong si James Carl Guzman, 19-anyos kung saan hinala ng pulisya na ginahasa ang dalaga dahil wala na itong pang-ibabang saplot.

Ayon kay Senior Inspector Larry Valencia ng Bataan police, hinihintay pa nila ang resulta ng awtopsiya ng Philippine National Police-Crime Laboratory kaya hindi pa matukoy ang sanhi ng kanilang kamatayan.

Nanawagan naman ang mga magulang ng biktima na sina Laura Caerbonnel at Lolita Guzman sa sinumang nakasaksi sa krimen na makipagtulungan para madakip ang mga suspek.

Nag-alok naman si Bataan Governor Albert Garcia ng P500,000 para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o lead sa posibleng suspek ng krimen.

Facebook Comments