MAGSASAKA, BINARIL NG KAINUMAN

22
Kasalukuyang nag papagamot ang isang magsasaka matapos mabaril sa Lagangilang, Abra kahapon, Agosto 8, 2022.

Ang lalaking biktima ay isang 36 taong gulang habang ang suspek naman ay 30-taong gulang na kapwa residente ng Nagsayangan, Brgy Tagodtod, Lagangilang, Abra.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, habang nag-iinuman ang dalawa nang biglang maalala ng mga ito na may dati silang hindi pagkakaintindihan na naging mitsa ng pamamaril ng suspek sa biktima gamit ang homemade 12 gauge shotgun.

Naisugod naman agad ang biktima sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling.

Patuloy parin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang ang suspek naman ay nasa kustodiya ng PNP.

Facebook Comments