Tuesday, October 13, 2026

Rekomendasyon ng DOJ sa extradition ni Quiboloy, hinihintay pa ni PBBM

Hinihintay pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) sa hiling ng Estados Unidos na i-extradite si Pastor Apollo Quiboloy.

Inatasan ng pangulo ang DOJ na magbigay ng update sa estado ng pag-aaral sa kahilingan ng US.

Ayon kay Marcos, ilang linggo na silang hindi nag-uusap ni Justice Secretary Fredderick Vida.

Sa huli nilang pag-uusap, mayroon pang mga legal na usaping kailangang linawin kaugnay ng extradition request.

Hindi na alam ng pangulo kung natapos na ang mga ito kaya hinihintay na lamang niya ang pinal na rekomendasyon ng DOJ.

Facebook Comments