MAYOR JULIO PARAYNO III, BISE MAYOR JIMMY PARAYNO AT ANIM NA KONSEHAL SA URDANETA CITY, IPINADISMIS NG OMBUDSMAN

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagkakadismis sa serbisyo kina Urdaneta City, Pangasinan Mayor Julio Fernandez Parayno III, Vice Mayor Jimmy Dereje Parayno, at anim na konsehal ng lungsod dahil sa administratibong paglabag.

Sa desisyon noong April 15, 2026, napag-alaman ng Ombudsman na may pananagutang administratibo ang mga opisyal sa grave misconduct at neglect of duty.

Kabilang din sa mga parusang ipinataw ang diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan at pagkuha ng civil service examination, gayundin ang pagkawala ng kanilang mga benepisyo sa pagreretiro.

Nag-ugat ang mga reklamo dahil sa umano’y pagkabigo ng mga opisyal na sumunod sa notice of suspension at ng mga hakbang na humadlang sa mga itinalagang pansamantalang opisyal na gampanan ang kanilang mga tungkulin habang suspendido ang mga lokal na opisyal noong January 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments