MAGSASAKA SA LA UNION, INARESTO NG PULISYA DAHIL SA UMANO’Y PANGGAGAHASA SA SARILING ANAK

Arestado at kasalukuyang nakakulong sa isang himpilan ng pulisya sa La Union ang isang magsasaka na nahaharap sa kasong qualified rape matapos umano niyang gahasain ang sarili niyang anak.

Ayon kay PCOL Heryl L. Bruno, direktor ng La Union Police Provincial Office, ang 35-anyos na akusado, na mula sa 1st District ng probinsya, ay kabilang sa listahan ng fourth most wanted person sa Region 1.

Siya ay inaresto dakong alas-10 ng umaga noong Marso 3, 2025, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 34 sa Balaoan, La Union.

Batay sa imbestigasyon, dalawang beses umanong ginahasa ng suspek ang kanyang 10-taong-gulang na anak noong Oktubre at Nobyembre 2024.

Hinihikayat ng pulisya ang publiko na ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad ang mga kahalintulad na krimen upang maprotektahan ang mga biktima at mapanagot ang mga may sala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments