Nag viral ang isang video ng netizen kung saan nakasabay niya sa kalsada ang isang rider na sakay ng kaniyang motorsiklo na gawa sa kahoy.
Ang nasa video ay ang Isang estudyante na tubong Sta. Maria, Pangasinan na si Jayvid Taguinay, 23 years old.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Jayvid, nagmamay ari ng furniture shop ang kanyang pamilya, kaya naman ang mga sobrang kahoy na Mahogany ay ginagamit niya para sa kanyang mga obra.
Naisipan umano niya na gawan ng kahoy na exterior ang kaniyang motor bilang paghahasa pa sa kanyang talento, matapos niyang unang gawan ng wooden accessories ang kanyang bisikleta noong kasagsagan ng Covid 19 lockdown.
Ayon pa kay Jayvid, inabot ng isang taon para matapos ang wooden flairings ng kaniyang motor dahil narin sa pagiging abala nito sa eskwela. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨