
Cauayan City – Nananawagan ng tulong ang magulang ng isang batang babae sa District 1, Cauayan City, Isabela matapos ma-diagnosed ng Biliary Atresia, isang sakit sa atay.
Ang bata ay kinilalang si Baby Zafirah Favila na may edad isang taon at limang buwan.
Ipinanganak siya noong January 6, 2024 at kasalukuyang lumalaban sa isang malubhang kondisyon sa atay na nangangailangan ng agarang liver transplant upang siya ay mabuhay.
Ayon sa magulang ng bata, anumang tulong, maging ito man ay pinansyal, gamit tulad ng gatas at diaper, o taimtim na dasal, ay malaking bagay para sa kanyang anak.
Samantala, bukas ang pamilya sa kahit na anong tulong mula sa publiko.
Facebook Comments