
Cauayan City – Aktibong nakilahok ang PNP Cabagan sa “Youth Empowerment & Community Development Seminar” na isinagawa sa San Antonio Sports & Social Center.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Barangay San Antonio na may layuning palakasin ang kakayahan at kaalaman ng kabataan para sa mas ligtas at progresibong kinabukasan.
Tampok sa seminar ang talakayan ukol sa iba’t ibang isyu na kinahaharap ng kabataan.
Isa sa mga pangunahing tagapagsalita si PSSg Catherine Garcia ng Cabagan Police Station, na nagbigay ng lecture tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga, insurhensiya, at ang adbokasiya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa ilalim ng Executive Order No. 70 para sa kapayapaan sa bansa.
Nakibahagi rin sa programa si Dave Deray mula sa MDRRMO Cabagan, na nagturo ng mga praktikal na kaalaman sa disaster preparedness at emergency response.
Samantala, ang Bureau of Fire Protection ay tinalakay ang mga hakbang sa fire safety, evacuation, at tamang pagtugon sa mga sakuna.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa PNP, MDRRMO, at BFP sa kanilang dedikasyon sa edukasyon at kapakanan ng kabataan.