Mahigit ₱11-M halaga ng shabu, natagpuan sa isang kusina sa NAIA

Umabot sa ₱11.4 million ang nakuha ng mga construction worker na umano’y shabu habang sinisira nila ang kusina ng isang lumang restaurant sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nasabat ang tatlong discolored na malalaking pakete nito sa isang grease trap.

Dito na ipinatawag sa nasabing lugar ang mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEG).


Ayon sa PDEA, mahigit 1.5 kilo ang kabuuang bigat ng tatlong paketeng hinihinalang shabu.

Sa ngayon, wala pang komento ang Manila International Airport Authority kung paano napunta sa airport ang nasabing droga.

Facebook Comments