Tuesday, August 4, 2026

IKALAWANG PALAPAG NG ISANG GUSALI SA DAGUPAN CITY, NASUNOG

Sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng isang apat na palapag na gusali sa Rivera Street, Dagupan City, alas-8:30 ng umaga, kahapon, August 3, 2026.

Walang naiulat na nasawi sa insidente matapos ligtas na mailabas ang mga taong nasa loob ng gusali.

Ang pagresponde sa insidente at sinabi niyang mabilis na nakontrol ang apoy bago pa ito kumalat sa iba pang bahagi ng gusali dahil sa maagap at koordinadong pagkilos ng mga rumespondeng ahensya.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling maingat at makiisa sa mga kinauukulang ahensya habang isinasagawa ang pagsusuri sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments