Mahigit ₱292-K na halaga ng umano’y shabu, nasamsam sa Marikina City

Sinalakay ng mga pulis ang isang bahay sa Block 68 Palay St., Brgy, Tumana, Lungsod ng Marikina pasado alas-5:30 ng hapon kahapon.

Matapos mapag-alaman na pugad umano ito ng iligal na droga.

Dahil dito, arestado si Benjo Alimania Borda, 21-anyos, na umano’y nagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa lungsod.


Nakuha mula sa kanya ang 43 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱292,400.

Bago ginawa ang buy-bust operation, nagsagawa muna ang Marikina Philippine National Police (PNP) ng surveillance operation laban sa suspek.

Nakakulong na ang suspek sa Marikina City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments