
Inihayag ngayon ng lokal na pamahalaan ng Navotas na malaki na ang progreso ng operasyon sa pababang bahagi ng natitirang apektadong lugar sa nasusunog na snaitary landfill.
Ayon sa Navotas LGU, sa kasalukuyan, higit na mababa na ang usok mula sa site na senyales na bumubuti na ang sitwasyon.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang mga hakbang na isinagawa tulad ng soil covering, compaction, at misting.
Humiling naman ang lokal na pamahalaam ng Navotas sa Department of Health (DOH) ng komprehensibong health assessment para sa frontliners na palaging naka-expose sa usok at iba pang pollutants sa site.
Mas pinaigting ang ieprasyon sa pababang bahagi ng landfill na nakaharap sa Obando, Bulacan, kung saan tinututukan ang mga natitirang hotspot.
Nauna na rin dumating ang 7,500 metric tons ng limestone powder mula Limay, Bataan, at 2,500 cubic meters mula Mariveles, Bataan upang suportahan ang soil covering at compaction operations.
Pagdating sa air quality, nananatiling “good to fair” ang kalidad ng hangin sa NCR at Obando, Bulacan.










