Mahigit 140,000 pulis, ipakakalat sa araw ng eleksyon —PNP

Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa ligtas at maayos na halalan sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ayon kay Maj. Gen. Roderick Alba ng Directorate for Police Community Relations, mahigit 140,000 pulis ang ikakalat sa mismong araw ng eleksyon para bantayan ang mahigit 37,000 voting centers sa buong bansa.

Sinabi pa ni Alba na handa na rin ang PNP na tumulong sa Commission on Elections (Comelec) bilang bahagi ng Board of Election Inspectors.

Aniya, umaabot sa 7,943 personnel ang sinanay para rito, kung saan 3,774 ay itatalaga sa BARMM.

Dagdag pa ni Alba, pokus ngayon ng PNP ang mga tinukoy na hotspot areas, lalo na sa Bangsamoro Region na kilalang mainit ang politika.

Pinalalakas na rin ang presensya ng pulisya sa iba’t ibang lugar para masiguro ang katahimikan at kapayapaan sa nalalapit na eleksyon.

Facebook Comments