Saturday, July 25, 2026

House of Representatives, handa na para sa SONA ng Pangulo; mga natitirang priority bills, tututukan sa pagbubukas ng regular na sesyon

Handang-handa na umano ang Kamara de Representante para sa nalalapit na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. sa Lunes, July 27.

Ayon kay Bulacan 5th District Representative Agatha Cruz, hindi pa umano nila alam kung anong mga punto ang eksaktong ilalahad ng Pangulo pero umaasa umano sila na makakatulong ito sa pagsusulong ng mga prayoridad o kinakailangang panukala.

Sa kabilang banda, 26/52 priority bills sa LEDAC agenda na rin umano ang naipasa ng kamara pero natennga sa Senado gaya ng right to Information Act, Anti-
Political Dynasty Bill.

Samantala, ipagpapatuloy naman umano ng kamara ang pagtalakay sa iba pang natitirang priority bills, gaya ng mga panukalang bayas na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan at pagpapalakas ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Dagdag pa rito, nabanggit din ni Cruz na hinihikayat umano ang mga dadalo sa SONA ng Pangulo na magsuot ng simpleng kasuotan na pang-Pilipino.

Facebook Comments