Mahigit 200 youth leaders mula sa iba’t ibang sektor ang nakiisa sa Young Leaders Congress: Advancing Child Participation and Advocacy, na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office katuwang ang Provincial Council for the Protection of Children.
Layunin ng programa na palakasin ang pakikilahok ng kabataan sa pamamahala at pagsusulong ng child protection, youth empowerment, at inklusibong pag-unlad. Kabilang sa mga lumahok ang mga kinatawan ng LGBTQIA+ community, Indigenous Peoples, Muslim community, out-of-school youth, faith-based organizations, at mga mag-aaral mula sa DepEd Pangasinan.
Samantala, mahigit 400 katutubo at fruit-bearing tree seedlings ang itinanim sa Pangasinan Ecological Park sa Cayanga, Bugallon bilang bahagi ng Pangasinan Challenge: Night MARCH 2026 kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month. Nakiisa sa tree planting activity ang iba’t ibang disaster response agencies, pulisya, Bureau of Fire Protection, at Philippine Army bilang suporta sa Green Canopy Program ng pamahalaang panlalawigan na naglalayong mapalawak ang forest cover at mapangalagaan ang biodiversity sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







