Thursday, July 30, 2026

GULAY NA TALONG, TAMPOK SA PAGDIRIWANG NG NUTRITION MONTH SA MANAOAG

Talong ang naging bida sa pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month sa Manaoag sa isinagawang Master Chef Cookfest ng bayan.

Hindi na lamang tortang talong na ating nakasanayan ang ihahain dahil ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pagluluto at paglikha ng iba’t ibang masustansya at malikhaing putahe mula sa talong. Kabilang sa mga inihanda ang Sisig Talong, Talong Pizza, Talong Fries, at iba pang pagkain.

Patunay ito na maraming palang paraan upang gawing masarap at kaakit-akit ang naturang gulay.

Ayon sa mga nutrition experts, ang talong ay mayaman sa fiber, bitamina, at antioxidants na nakatutulong sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan.

Bukod dito, isa rin itong gulay na maaaring itanim sa buong taon kung may sapat na patubig at maayos na pangangalaga, kaya’t isa itong praktikal na mapagkukunan ng masustansyang pagkain para sa mga pamilya.

Sa pamamagitan ng naturang patimpalak, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang komunidad na tangkilikin ang mga lokal na ani at isabuhay ang wastong nutrisyon bilang bahagi ng mas malusog at mas matatag na pamayanan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments