Kaugnay naman ng ICC case, sinabi niyang limitado ang kontrol ng Pilipinas sa proseso ngunit patuloy niya itong sinusubaybayan bilang isang mahalagang kaganapan.
Nagbigay rin siya ng pahayag hinggil sa isyu ng flood control, kung saan nilinaw niyang ang kanyang mga komento ay panawagan para sa pagpapabuti ng proseso at hindi para sa pansariling interes.
Tungkol naman sa mga batikos na kanyang natatanggap, sinabi ni Torre na tinitingnan niya ang mga ito bilang bahagi ng pagpapahayag ng opinyon ng publiko at hindi niya ito personal na dinadala.
Kaugnay nito, binalikan din ng MMDA chief ang kanyang naging serbisyo bilang heneral ng Philippine National Police (PNP), kabilang ang mga operasyong kanyang pinangunahan, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtupad ng MMDA sa mga direksyong itinakda ng Pangulo sa State of the Nation Address (SONA). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










