MAHIGIT 2,300 DAGUPENO, ISINALANG SA VALIDATION AT PROFILING PARA SA SOCIAL PENSION AT TUPAD

Patuloy na napakikinabangan ng mga Dagupeño ang ilang umiiral na programa ng gobyerno upang matukungan ang iba’t-ibang sektor ng kumunidad tulad ng social pension at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers o TUPAD program.

Isinagawa sa Dagupan City People’s Astrodome ang validation ng 582 social pensioners bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng social pension at iba pang serbisyo para sa mga senior citizen.

Layunin ng validation na matiyak ang maayos na pagproseso at paghahatid ng benepisyo sa mga kwalipikadong senior citizen, partikular sa mga nangangailangan ng karagdagang suporta.

Kasabay nito, isinagawa rin ang profiling ng 1,800 benepisyaryo ng TUPAD sa lungsod.

Bahagi ito ng proseso upang matukoy at maitala ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng programa na nagbibigay ng pansamantalang trabaho at dagdag na kita sa mga nangangailangang manggagawa.

Patuloy ang pagsasagawa ng validation at profiling bilang bahagi ng mga programang naglalayong mapalawak ang suporta at serbisyong panlipunan para sa mga senior citizen at manggagawa sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments