MAHIGIT 23,000 REGISTRATION SA NATIONAL ID SA REGION 1, NAITALA SA UNANG QUARTER NG 2026

Umabot sa 23,176 ang kabuuang rehistrasyon sa National ID sa Region 1 noong unang quarter ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos, mula sa 8,470 rehistrasyon noong Enero at 12,727 noong Pebrero, halos dumoble ang bilang pagsapit ng Marso, na umabot sa higit 23,000. Kasabay nito, tumaas din ang bilang ng naisyung ePhilID, na umabot sa 16,444 noong Marso mula sa 7,719 noong Enero.

Iniulat din ng PSA na pinalakas ang mga hakbang sa pagpaparehistro sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya at institusyon, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at PhilHealth, gayundin ang pagsasagawa ng information dissemination at community outreach.

Dahil sa mga inisyatibang ito, kinilala ang PSA Region 1 bilang ika-5 sa buong bansa sa may pinakamataas na bilang ng National ID early print engagements.

Patuloy namang hinihikayat ng PSA ang mga hindi pa nakakapagparehistro na magtungo sa pinakamalapit na registration centers upang makakuha ng National ID, na inaasahang magpapabilis sa mga transaksyon sa pamahalaan at pribadong sektor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments