BARORO RIVER WATERSHED MANAGEMENT COUNCIL, ITINATAG SA LA UNION

Pormal nang itinatag ang Baroro River Watershed Management Council (BRWMC) sa isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) signing ceremony ng mga tanggapan sa La Union noong, Lunes, Mayo 4.

Layunin ng pagtatatag ng konseho na pagtibayin ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya at sektor sa pangangalaga at pamamahala ng mahigit 19,000 ektaryang watershed na saklaw ang ilang bayan sa lalawigan.

Sa ilalim ng kasunduan, inaasahang paiigtingin ang mga programa laban sa soil erosion, forest fragmentation, at iba pang banta sa kalikasan, kasabay ng pagpapatupad ng mga hakbang para sa sustenableng paggamit ng likas na yaman.

Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa pambansa at lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at civil society organizations na inaasahang magiging katuwang sa pagpapatupad ng mga inisyatiba ng konseho.

Itinuturing ang pagtatatag ng BRWMC bilang mahalagang hakbang tungo sa mas organisado at pangmatagalang pangangalaga sa Baroro River watershed. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments