MAHIGIT 5,500 BASURA, NAKOLEKTA KAPALIT NG HOME CARE PRODUCTS AT PUNLA SA POZORRUBIO ‎ ‎

Nasa mahigit 5,500 piraso ng basura ang nakolekta ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Pozorrubio sa isinagawang Palit-Basura, Refill Day at Community Pan-Tree noong Hunyo 12, 2026.


‎Batay sa ulat ng MENRO, kabilang sa mga nakolekta ang 2,697 piraso ng PET bottles, 2,650 tetra packs, at 200 piraso ng laminates.

‎Bilang kapalit ng mga naipong recyclable materials, namahagi ang MENRO ng kabuuang 300 litro ng home care products at 50 punla ng puno.

‎Kabilang sa mga ipinamahaging produkto ang liquid detergent, fabric conditioner, hand soap, disinfectant bleach, at dishwashing liquid.

‎Nakilahok din sa aktibidad ang pamunuan ng Barangay Palacpalac.

‎Ayon sa MENRO, ibebenta sa junkshop ang mga nakolektang PET bottles habang ang mga tetra packs naman ay gagawing eco-bags at iba pang alternatibong lalagyan sa pamamagitan ng upcycling. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments