Kongreso, pinagsasagawa ng oversight investigation kaugnay sa hacking sa server ng COMELEC

30

Pinagsasagawa ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang Kamara ng oversight investigation kaugnay sa napaulat na hacking sa server ng Commission on Elections (COMELEC).

Mayroon aniyang oversight power ang Kongreso upang silipin ang pagpapatupad ng RA 8436 o Automated Election Law at alamin kung may banta ba ng manipulasyon at pandaraya sa automated election system.

Punto ng mambabatas, bagama’t pinabulaanan na ng COMELEC ang ilan sa impormasyon na tinukoy sa ulat ng pahayagang Manila Bulletin tungkol sa hacking incident ay hindi naman tahasang nasagot ng poll body kung mayroong nga bang hacking o wala.


Hindi rin aniya ito ang unang pagkakataon na na-hack ang COMELEC dahil limang linggo bago ang 2016 elections, na-hack at nakopya ang nasa 55 million voter’s registration information sa tinaguriang “COMELEAKS”.

Dalawang rason naman ang nakikita ni Sarmiento kung paanong maaaring nagkaroon nga ng hacking, una ay ang maluwag na network security protocol ng COMELEC at pangalawa ay inside job.

Ipapatawag naman ang Technews team ng Manila Bulletin sa gagawing oversight investigation upang matukoy kung may factual basis ang kwento o kung mula lamang ito sa mga indibidwal na nais mabahiran ang integridad ng nalalapit na eleksyon.



Facebook Comments