Tuesday, November 17, 2026

Imbestigasyon ng Kamara sa pro-Duterte at pro-China propaganda network, ikinakasa na

Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, ikinakasa na ng House of Representatives ang imbestigasyon sa pro-Duterte at pro-China propaganda network

Binanggit ni Ridon na isang House resolution ang inihahanda para sa gagawing imbestigasyon ukol sa mga mga social media activities na parehong nagtatanggol sa mga Duterte at sa Chinese government.

Inihayag ito ni Ridon kasunod ng kontrobesyal na mensahe ni Chinese Ambassador Jing Quan na madaling magwawagi ang China laban sa Pilipinas kapag dinaan nila sa pwersa ang tensyon sa West Philippine Sea.

Kapansin pansin para kay Ridon na ang mga aktibong nagtatanggol kay Vice President Sara Duterte sa harap ng impeachment trial ay pareho din ng mga nagtatanggol sa Chinese ambassador at sa China.

Sabi ni Ridon, target din ng pagdinig ng Kamara na matukoy kung sino ang nagpopondo sa naturang Duterte at China propaganda campaigns.

Facebook Comments