Tuesday, October 13, 2026

Pamasahe sa eroplano, posibleng bumaba sa gitna ng pagbaba ng fuel surcharge

Posibleng makaranas ng bahagyang pagbaba sa pamasahe sa eroplano ang mga pasahero matapos ibaba ng Civil Aeronautics Board ang fuel surcharge sa Level 16 para sa huling kalahati ng Oktubre.

Matatandaang itinaas sa Level 17 mula sa dating Level 14 ang fuel surcharge sa unang kalahati ng Oktubre dahil sa biglaang pagtaas ng produktong petrolyo.

Sa ilalim ng Level 16, ang fuel surcharge para sa mga domestic flight ay maglalaro mula P525 hanggang P1,535, habang ang sa mga international flight naman ay mula P1,733.76 hanggang P12,891.29.

Ayon sa CAB, ang fuel surcharge ay karagdagang singil ng mga airline upang makatugon sa galaw ng presyo ng jet fuel sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments