Umabot sa mahigit 600 kabataang lalaki ang nabigyan ng libreng serbisyong tuli sa dalawang magkahiwalay na bayan sa Pangasinan mula Abril hanggang Mayo 2026.
Sa bayan ng Villasis, 322 pasyente ang sumailalim sa libreng tuli na isinagawa sa loob ng dalawang araw noong Mayo 9 hanggang 10. Naging matagumpay ito sa tulong ng isang nonprofit organization, Municipal Health Office, Barangay Health Workers, at mga volunteer medical practitioners.
Samantala, sa bayan ng Tayug, humigit-kumulang 300 binata ang sumailalim sa programang Libreng Tuli ng Rural Health Unit (RHU) na isinagawa mula Abril 7 hanggang 24.
Layunin ng mga naturang aktibidad na maibigay ang ligtas at abot-kayang serbisyong medikal sa mga kabataan, lalo na tuwing panahon ng bakasyon.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga lokal na pamahalaan ang mga nais magpatuli na dumaan muna sa kanilang RHU upang maipaskedyul ang operasyon at matiyak ang maayos na daloy ng serbisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







