APLIKASYON PARA SA AUGUST 2026 CIVIL SERVICE EXAM, BINUKSAN NA

Magbubukas, ngayong araw, Mayo 14 ang aplikasyon para sa ikalawang batch ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ngayong 2026 para sa mga nagnanais magkaroon ng civil service eligibility at makapagtrabaho sa gobyerno.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC), tatanggap ng aplikasyon hanggang Hunyo 10 habang nakatakdang isagawa ang pagsusulit sa Agosto 9, 2026.

Maaaring kumuha ng Professional at Subprofessional Level examinations na nagsisilbing kwalipikasyon para sa iba’t ibang posisyon sa pampublikong tanggapan. Ang Professional Level ay para sa second-level at officer positions habang ang Subprofessional Level naman ay para sa clerical at administrative positions.

Kabilang sa mga kinakailangang isumite ng mga aplikante ang accomplished application form, passport-sized ID pictures, valid ID, at examination fee na ₱500.

Patuloy ding ipatutupad ng CSC ang Online Civil Service Examination Application System (OCSEAS) upang mapabilis at maging mas maayos ang proseso ng aplikasyon.

Sa Western Pangasinan, maglalaan ng 300 slots kada araw para sa aplikasyon mula Lunes hanggang Huwebes. Nakatakdang idaos ang pagsusulit sa Lingayen para sa Professional Level at sa Pangasinan State University para naman sa Subprofessional Level.

Inaasahang ilalabas ang resulta ng pagsusulit sa Oktubre 12, 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments