Monday, May 11, 2026

Pulis na nag-viral dahil nambugbog ng kanyang kinakasama, dinis-armahan at sinibak na sa pwesto

Sinibak na sa pwesto at dinisarmahan na ang pulis na nag-viral na nambugbog ng kanyang asawa.

Kinumpirma ni Malolos City Chief of Police Plt. Col. Rommel Geneblazo na tauhan nila ang nasabing pulis na nag-viral at sa ngayon ay nakarestrictive custody.

Samantala, inihahanda na rin ang kriminal at administratibong kasong isasampa laban sa nasabing pulis.

Kaugnay nito, kinondena naman ng Philippine National Police (PNP) ang nasabing insidente at sinabing hindi kokusintihin ang nasabing maling gawain na ito sa kanilang hanay.

Nagpaalala naman ang Pambansang Pulisya sa publiko na iwasan ang pagkalat ng maling impormasyon para ito ay hindi makasagabal sa ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Facebook Comments