ONE-STOP COMMUNITY SERVICE CARAVAN PARA SA IP COMMUNITIES SA BUGALLON, UMARANGKADA

Nakinabang ang mga Indigenous People (IP) community sa Sitio Dimantal, Barangay Hacienda sa isinagawang One-Stop Community Service Caravan noong Mayo 12, 2026.

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Bugallon ang aktibidad katuwang ang Department of Health (DOH) at Philippine Statistics Authority (PSA) na naghatid ng pinagsamang serbisyong pangkalusugan at civil registration services.

Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang dental at medical check-up, National ID registration, Birth Registration Assistance Project (BRAP) para sa late registration, at pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga residente.

Layunin ng programa na mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga malalayong komunidad, partikular sa mga IP communities, upang matiyak na walang sektor ang napag-iiwanan sa access sa serbisyong panlipunan at pampublikong serbisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments