
Planong magkalampagan ulit ng grupong KADAMAY sa tapat ng Central Office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, April 18.
Ayon sa grupo, sinimulan nila ang kalampagan kahapon, April 17 dahil mag-iisang linggo na umano silang nagkakampuhan sa naturang area pero hindi pa rin anila natutugunan ang kanilang panawagan.
Kwento pa ng grupo, kinuha ng mga pulis kagabi, April 17 ang malaking banner o tarpaulin nila kung saan nakalagay ang kanilang panawagan kaugnay ng tulong pinansyal na dapat ay noong nakaraang taon pa nila natanggap.
Samantala, mariing iginiit ng grupo na wala silang balak umalis hangga’t hindi sila hinaharap ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, kahit abutin pa sila ng May 1.
Sa ngayon, sinusubukan pa ng DZXL News na kuhanin ang panig ng DSWD.










