Thursday, May 7, 2026

Mahigit P56-M na halaga ng shabu, nasabat sa dalawang Pinay sa NAIA Terminal 1

Hawak na ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang Pinay na tinangkang magpasok ng shabu na nagkakahalaga ng P56.6 million.

Nakuha sa mga Pinay sa NAIA Terminal 1 ang 8,324 grams ng shabu na nakatago sa kanilang mga suitcase.

Galing sa Cambodia ang mga Pinay at hinarang ng Bureau of Customs (BOC) personnel para sa screening dahil sa kahina-hinalang laman ng kanilang bagahe.

Nakalagay ang kontrabando sa 13 foil bundles na nakatago sa improvised pouches na carbon paper at packaging tape.

Kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na positibo ang substance ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P56,603,200.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments