Thursday, May 7, 2026

Unti-unting pagbaba ni VP Duterte sa mga survey, resulta ng kabiguan nitong sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya

Naniniwala si House Senior Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor na ang pagbaba ng ratings ni Vice President Sara Duterte sa mga presidential survey ay resulta ng kabiguan nitong sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Dagdag pa ni Defensor, lumalawak na rin ang kaalaman ng mamamayan kaugnay sa kinakaharap na mga impeachment complaints ni VP Duterte.

Ayon kay Defensor, maraming mga Pilipino ang nanonood sa TV, sa YouTube, at nakikinig sa radio kaya nasusubaybayan nila ang impeachment proceedings sa Kamara.

Diin ni Defensor, tiyak na nakaapekto rin sa ratings ni VP Sara ang mas maraming mga ebidensya na lumitaw sa impeachment hearings kaugnay sa mga alegasyong maling paggamit sa pondo ng bayan, bribery, corruption, at grave threats.

Reaksyon ito ni Defensor sa resulta ng presidential survey ng Pulse Asia kung saan nagtabla si VP Sara at Sen. Raffy Tulfo habang sa survey naman ng Octa ay lumiit ang lamang ni VP Duterte kay dating vice president at ngayon ay Naga Mayor Leni Robredo.

Facebook Comments