
Suportado ng Malacañang ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa reklamong inihain laban kay Health Secretary Jose Pujalte Jr. kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa sugal.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahalagang masiyasat ang reklamo upang matukoy ang katotohanan.
Kikilos naman aniya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung may mapatutunayang ebidensya laban sa kalihim.
Sa reklamong inihain ng mga nagpakilalang “concerned citizens” sa Presidential Complaint Center, inakusahan si Pujalte na madalas umanong magsugal sa mga casino at gumagamit ng iba’t ibang alyas sa mga hotel.
Mariin namang itinanggi ni Pujalte ang mga alegasyon at iginiit na walang katotohanan ang mga ito.
Samantala, nilinaw ng Malacañang na hindi nito sinusuportahan o tinututulan ang panawagang suspendihin ang kalihim habang isinasagawa ang imbestigasyon.










