MDRRMO SAN QUINTIN, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA BAHAING LUGAR

Nagsagawa ng masusing inspeksyon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang iba pang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng San Quintin, sa mga lugar na naitala noon na madalas bahain.

Layunin ng isinagawang inspeksyon na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga flood-prone areas nang sa gayon ay masiguro ang kaligtasan ng mga residnete sa bayan sa oras na tuloy-tuloy na pag-uulan.

Kasabay nito, minonitor din ng mga kinauukulan ang daloy ng tubig sa Dipalo upang mabantayan ang anumang posibleng pagtaas ng lebel ng tubig.

Patuloy namang hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng San Quintin ang publiko na manatiling mapagmatyag, maging handa sa anumang sitwasyon, at sundin ang mga opisyal na abiso at paalala ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments