Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng tinatayang 3 gramo ng hinihinalang shabu na may street drug price na ₱20,400.
Ito ay matapos ang isinagawang buy-bust operation sa City of San Fernando noong ng Mayo 27, 2026.
Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na kapwa lalaki, edad 26 at 22, at residente ng Baguio City, Benguet na construction worker habang unemployed naman ang isa.
Narekober sa operasyon ang dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nakuha rin ng mga awtoridad ang ilang personal na gamit, buy-bust money pati isang itim na kotse.
Pinangunahan ng City of San Fernando Police Station ang operasyon katuwang ang iba’t ibang law enforcement units at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










