LALAKING SASAKAY SANA NG MOTOR, SUGATAN MATAPOS MASAGI NG TRICYCLE SA SAN JACINTO

Sugatan ang isang lalaki at isang tricycle driver sa isang banggaan sa kahabaan ng national road sa Brgy. Magsaysay, San Jacinto, Pangasinan gabi ng Mayo 24, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon, sasakay na sana sa motorsiklo ang 30-anyos na lalaki na naka-park sa gilid ng westbound lane nang bigla umano itong masagi ng sidecar ng paparating na tricycle na minamaneho ng isang 43-anyos na jeepney driver.

Dahil sa impact, tumilapon at bumagsak sa kalsada ang biktima habang dumeretso naman ang tricycle at bumangga sa isang pang naka-park na sasakyan sa gilid kalsada.

Matapos mabangga ang sasakyan, tumagilid sa gitna ng kalsada ang tricycle at doon nahulog ang driver nito na magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kapwa isinugod sa ospital ang pedestrian at tricycle driver.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya na ng San Jacinto Municipal Police Station ang mga sangkot na sasakyan habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments