Patay ang 44 anyos na lalaki matapos paghahampasin ng baseball bat ng 23 anyos na lalaki matapos na mapag-alamang umanong parehas sila ng girlfriend.
Naganap ang insidente sa San Carlos City kung saan tinukoy sa imbestigasyon ng awtoridad, na selos o love triangle umano ang nakikitang ugat ng krimen.
Nagpanggap umano ang suspek bilang nobya para makipagkita sa biktima ngunit pagdating sa lugar, ang suspek ang nadatnan nito.
Narekober din ang baseball bat na ginamit sa paghampas sa biktima, ngunit nakatakas ang suspek at patuloy na pinaghahanap ng kapulisan sa kasalukuyan.
Samantala, hindi na rin umano mahagilap ang nobya simula ng mangyari ang insidente.
Kaugnay nito, kasong murder ang isinampa laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










