Muling pinaalalahanan ng Barangay Lipit-Tomeeng ang lahat ng motorista at may-ari ng motorsiklo na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng open pipe, motorsiklong walang tambutso (muffler), at modified o sirang muffler na nagdudulot ng labis na ingay at nakaaabala sa katahimikan ng komunidad.
Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 17, Series of 2018 ng Bayan ng San Fabian, Pangasinan, ang mga lalabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng kaukulang multa batay sa bilang ng kanilang paglabag.
Maaaring humarap sa kaukulan multa ang mga lalabag, ₱1,000.00 sa unang paglabag, ₱2,000.00 sa ikalawang paglabag at ₱2,500.00 sa susunod na paglabag.
Binigyang-diin ng barangay ang kahalagahan ng pagsunod sa ordinansa upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa pamayanan.
Kabilang sa mga higit na naaapektuhan ng sobrang ingay ang mga batang nag-aaral, mga nakatatanda, at iba pang residenteng nangangailangan ng tahimik at maayos na kapaligiran.
Hinihikayat ang lahat ng motorista na maging responsable at disiplinado sa paggamit ng kanilang mga sasakyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







