Sunod-sunod na power disruption sa ilang lugar sa bansa, nagpapawalang tiwala sa mga power consumers ayon sa isang survey

Nawawalan na umano ng tiwala ang mga power consumers sa sunod-sunod na pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa bansa.

Kagabi, nawalan ng suplay ng kuryente ang General Nakar, Infanta at Real sa Quezon.

Ganito rin ang nangyayari sa maraming lugar, gaya sa Batangas.

Sa isang province-wide survey, lumilitaw na labis nang dismayado ang mga residente ng Batangas sa hindi na maasahang serbisyo ng kanilang power provider, ang BATELEC 1 at BATELEC 2.

Tinanong ng Capstone-Intel Corporation ang nasa 1,200 respondents mula sa 34 na lungsod at munisipalidad sa Batangas.

Lumilitaw na 62% ng mga respondents ang nakakaranas ng mula dalawa hanggang sampung power outages kada buwan.

Batay sa resulta ng survey,ikinukonsidera na ng mga residente na maghanap na ng alternatibong power providers.

Ang survey result ay inaasahang magiging wake up call, hindi lang sa mga power utilities, kundi maging sa mga government leaders na gawing prayoridad ang pagresolba sa mga electricity issues.

Facebook Comments