Wednesday, July 1, 2026

Inflation nitong Hunyo, maglalaro pa rin sa 6 hanggang 7% —BSP

Tinatayang papalo mula 6 hanggang 7 na porsyento ang maitatalang inflation o antas ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa nitong nagdaang buwan ng Hunyo.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), may epekto rito ang pagbaba ng presyo ng petrolyo at mga pagkain gaya ng bigas at karne.

Sa kabila niyan, sinabi ng BSP na inaasahang makakaapekto rin sa inflation ang mataas na singil sa kuryente at presyo ng mga gulay.

Tiniyak naman ng BSP na patuloy nilang binabantayan ang mga nakakaapekto sa inflation at ekonomiya ng bansa gaya ng sitwasyon sa Middle East.

Noong Mayo, matatandaang pumalo sa 6.8% ang inflation na bahagyang mababa kumpara sa 7.2% na naitala noong Abril na kasagsagan ng mataas na presyo ng mga bilihin partikular ang petrolyo.

Facebook Comments